Naiulat na side effect ng pagpapabakuna kontra COVID-19, 1.44 percent lang ayon sa DOH
Sa kabuuan ng mga nabakunahan sa bansa 1.44 percent lang ang natanggap na ulat ng Department of Health (DOH) na nakaranas ng side effect matapos maturukan.
Sinabi ng DOH na 98.56 percent sa mga nabakunahan ang walang naranasang side effect.
Ayon sa DOH, ang top 5 na vaccine reactions ay ang pananakit ng injection site; pagkahilo, pananakit ng ulo; back, joint at arm pains; pagtaas ng BP; at cold sweat, rash, at pamumula ng balat.
Kasabay nito hinikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.