Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,400; dagdag na 117 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,400 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, July 18 ay 1,507,755 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,411 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,433,851 ang gumaling o katumbas ng 95.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,439 na gumaling.
47,190 naman ang active cases o katumbas ng 3.1 percent.
26,714 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.77 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 117 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)