Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,200; dagdag na 10 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,200 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, July 12 ay 1,478,061 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,204 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,402,918 ang gumaling o katumbas ng 94.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,811 na gumaling.
49,128 naman ang active cases o katumbas ng 3.3 percent.
26,015 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.76 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 100 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)