Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,000; dagdag na 191 pa ang pumanaw
Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,000; dagdag na 191 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, July 8 ay 1,455,585 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,484 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,380,899 ang gumaling o katumbas ng 94.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 3,925 na gumaling.
49,036 naman ang active cases o katumbas ng 3.4 percent.
25,650 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.76 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 191 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)