Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 4,000; dagdag na 104 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 4,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, July 6 ay 1,445,832 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 4,114 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,370,923 ang gumaling o katumbas ng 94.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,086 na gumaling.
49,613 naman ang active cases o katumbas ng 3.4 percent.
25,296 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.75 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 104 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)