Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 4,000; dagdag na 101 pa ang pumanaw

Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 4,000; dagdag na 101 pa ang pumanaw

Nakapagtala ng mahigit 4,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, June 29 ay 1,408,058 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 4,479 ang dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,333,464 ang gumaling o katumbas ng 94.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,471 na gumaling.

50,037 naman ang active cases o katumbas ng 3.6 percent.

24,557 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.74 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 101 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *