Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 17,000; dagdag na 113 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 17,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Aug. 27 ay 1,916,461 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 17,447 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,741,0889 ang gumaling o katumbas ng 90.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,771 na gumaling.
142,531 naman ang active cases o katumbas ng 7.4 percent.
Nasa 32,841 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.71 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 113 pang nasawi. (DDC)