Muntinlupa City LGU bibili ng dagdag na 200,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca
Bibili ng dagdag na 200,000 pang bakuna kontra COVID-19 sa AstraZeneca ang Muntinlupa City Government.
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, karagdagan ito sa 100,000 doses na naunang inorder ng lungsod.
Dahil sa dagdag na 200,000 pang doses ng bakuna na bibilhin ng City Government, aabot na sa 300,000 doses ng COVID-19 vaccine ang inaasahang darating sa lungsod mula sa British pharmaceutical firm na AstraZeneca.
Target ng pamahalaang lungsod na unang mabakunahan ang mga residenteng kabilang sa high priority groups. (D. Cargullo)