Municipal Crematorium sa Montalban, Rizal na ipinanukala ni dating MHO chief Dra. Carmela Javier malapit nang mapakinabangan

Municipal Crematorium sa Montalban, Rizal na ipinanukala ni dating MHO chief Dra. Carmela Javier malapit nang mapakinabangan

Nalalapit nang mapakinabangan ng mga residente ang Municipal Crematorium sa Montalban, Rizal.

Ang pagpapatayo ng crematorium ay ipinanukala noon ng dating Municipal Health Office chief ng Montalban na si Dra. Carmela Javier.

Ipinanukala ni Javier ang pagpapatayo ng sariling crematorium sa bayan ng Montalban sa kasagsagan ng madaming kaso ng COVID-19.

Dahil sa masyadong magastos ang magpa-cremate, bilang noon ay MHO chief, ipinanukala ni Javier sa pamahalaang bayan ng Montalban na magpatayo na lamang ng sariling crematorium upang hindi na gagastos ang mga kaanak ng mga masasawi dahil sa COVID-19.

Kamakailan ay nagsagawa ng inspeksyon sa Municipal Crematorium si Montalban Mayor Tom Hernandez at ilang mga konsehal.

Ani Hernandez, libre ang serbisyo ng crematorium para sa mga residente ng Montalban. (BVD)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *