MRT-3 sasailalim sa maintenance sa Holy Week

MRT-3 sasailalim sa maintenance sa Holy Week

Magsasagawa ng maintenance sa buong linya ng MRT-3 sa Holy week.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3 walang biyahe ang mga tren mula March 30 (Martes) hanggang sa April 4 (Linggo).

Sa nasabing mga petsa ay ,agsasagawa ng maintenance at rehabilitasyon sa buong linya.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa sa temporary shutdown ay ang pagpapalit ng mga railway turnout sa depot, pagpapalit ng mga point machine, at paglalagay ng CCTV units.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Ginagamit naman point machine upang kontrolin ang operasyon ng mga railway turnouts mula sa MRT-3 Control Center.

Mahalagang bahagi ang mga ito ng isang railway system para maging maayos ang railway signaling at pagpapatakbo ng mga tren.

Katuwang ng pamunuan ng MRT-3 sa malawakang rehabilitasyon sa buong linya ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *