MRT-3 wala munang biyahe simula bukas (Mar. 30)

MRT-3 wala munang biyahe simula bukas (Mar. 30)

Tigil-operasyon muna ang MRT-3 simula bukas March 30.

Ito ay para bigyang-daan ang taunang Holy Week maintenance activities sa buong linya ng tren.

Ang Holy Week Maintenance and Rehabilitation activities ay isasagawa hanggang Abril 4, 2021 (Linggo).

Ibig sabihin, walang biyahe ang mga tren ng linya sa mga nasabing petsa.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa sa temporary shutdown ay ang pagpapalit ng mga railway turnout sa depot, pagpapalit ng mga point machine, at paglalagay ng CCTV units.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Ginagamit naman point machine upang kontrolin ang operasyon ng mga railway turnouts mula sa MRT-3 Control Center.

Mahalagang bahagi ang mga ito ng isang railway system para maging maayos ang railway signaling at pagpapatakbo ng mga tren.

Katuwang ng pamunuan ng MRT-3 sa malawakang rehabilitasyon sa buong linya ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *