MRT-3 papalitan ng mas matibay at makabagong materyales

MRT-3 papalitan ng mas matibay at makabagong materyales

Sinimulan na ng pamunuan ng MRT-3 ang paglalagay ng fiber-reinforced foamed urethane (FFU) sleepers sa depot tracks ng linya, bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon nito.

Ang FFU sleepers ay ipapalit sa mga wooden sleepers sa depot tracks na naluma na ng panahon.

Dahil synthetic ang mga ito, mas matagal ang lifespan ng materyales.

Ginagamit ang FFU sleepers na pangsuporta sa mga bahagi ng tracks na may kailangan nito, tulad ng switches, turnouts, at crossings.

Ayon sa DOTr MRT-3 natapos ang pagpapalit ng mga bagong turnout sa target na mga bahagi ng depot tracks noong June 30.

Nasa 581 piraso ng FFU sleepers na galing sa bansang Japan ang ilalagay sa tracks sa depot ng MRT-3, kung saan inilalagi ang mga tren ng linya.

Matatandaang nakompleto na ng pamunuan ang rehabilitasyon ng main line tracks noong nakaraang Holy Week maintenance shutdown, matapos mapalitan ang mga natitirang turnout sa linya. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *