MRT-3 mas mabilis na ang takbo
Matagumpay nang naikasala ang pagpapabilis sa takbo ng mga tren ng MRT-3 patungong 50kph simula kahapon, ika-2 ng Nobyembre 2020.
Ito ay mula sa 40kph na bilis ng takbo ng mga tren noong Oktubre.
Nangangahulugan ito na mas maikli na ang oras ng paghihintay ng mga pasahero sa pagdating ng mga tren na umaabot lamang sa 4 hanggang 5 minuto (20 tren sa 50kph na bilis) mula sa 8 to 9.5 na minuto (20 tren sa takbong 30kph).
Ang travel time mula sa North Avenue station hanggang Taft Avenue station ay naging mas mabilis din.
Mula sa 1 oras at 15 minuto ay 1 oras at 5 minuto na lamang ang biyahe.
Ang gradual at safe na pagpapabilis ng takbo sa rail line ay naging posible dahil sa katatapos lamang na konstrukyon ng mga bagong riles sa lahat ng istasyon ng rail line na bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng ahensya, katuwang ang maintenance provider nito, ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.
Inaasahan naman na sa darating na Disyembre, mas mapapabilis pa ang train speed na aabot hanggang 60kph.
Bukod dito, sa darating na Hulyo 2021 ay tuluyan nang matatapos ang isinasagawang rehabilitasyon ng MRT-3.
Dahil dito, magiging mas marami ang mga patatakbuhing train sets, mas mabilis ang takbo ng mga tren, at higit na mababawasan ang waiting time ng mga pasahero.