MRT-3 GM Rodolfo Garcia at MRT Director Michael Capati nagpositibo sa COVID-19

MRT-3 GM Rodolfo Garcia at MRT Director Michael Capati nagpositibo sa COVID-19

Kapwa nagpositibo sa COVID-19 sina MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia at MRT director Michael Capati.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, naka-confine ngayon sa intensive care unit si Garcia.

Si Capati naman ay bumubuti na ang kondisyon.

Una nang inanunsyo ng pamunuan ng MRT-3 ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang mga office personnel sa depot.

Dahil dito, ang MRT-3 depot sa Quezon City ay isinailalim sa “enhanced access control” at nagpatupad ng work from home arrangement. 4

Kabilang sa nagpositibo ang 36 na MRT-3 office personnel sa depot at ang 6 na tauhan ng service provider nitong Sumitomo. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *