MRT-3 apat na sunod na araw nang nakapagde-deploy ng 22 trains

MRT-3 apat na sunod na araw nang nakapagde-deploy ng 22 trains

Apat na sunod na araw na nakapag-deploy ng 22 train sets ang MRT-3 sa mainline, mula Jan. 2 hanggang Jan. 5, 2021.

Una nang itinaas ang train speed ng mga tren ng MRT-3 sa 60kph noong Dec. 7, mula sa dating 50kph.

Sa mas pinataas na bilang ng running trains at mas pinabilis na takbo ng mga ito, naibaba na ang headway o waiting time sa pagitan ng pagdating ng mga tren sa 3.5 hanggang 4 minuto.
Bumaba na din ang travel time mula North Avenue hanggang Taft Avenue station sa 45 hanggang 50 minuto na lamang.

Mas maraming pasahero na din ang naisasakay ng MRT-3, na mayroong average na 113,358 pasahero araw-araw noong Disyembre 2020.

Ang pagtataas ng bilang ng mga naide-deploy na tren ay bunga ng malawakang rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.

Sa 22 tren na tumatakbo sa main line, 20 ang CKD at 2 ang Dalian train sets. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *