Molecular laboratory ng Red Cross binuksan sa Passi, Iloilo
Binuksan ang bagong Philippine Red Cross (PRC) molecular laboratory sa Passi, Iloilo.
Personal na dinaluhan ni PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon ang inagurasyon sa pasilidad.
Maliban sa bagong laboratoryo ay binuksan din ang blood center sa Passi Chapter na magsisilbi sa buong rehiyon.
“Bukod sa bagong laboratoryo na magte-test sa buong probinsya at mga karatig na bayan ay binuksan din natin ang bagong blood center upang mapabilis ang pagkuha at pag-proseso ng dugo para sa mga nangangailangan,” ayin kay Gordon.
Sa kasalukuyan, mahigit 1.68 milyon na ang nausailalim sa COVUD-19 test ng PRC sa mga molecular laboratory nito.
Inaasahang mas dadami pa ito kapag naaprubahan na ang Saliva Testing na isa sa bagong paraan ng pagte-test para sa COVID-19. (D. Cargullo)