Module na may aktibidad na nag-aatas sa estudyante na mag-interview hinggil sa karanasan noong Spanish era, hindi galing sa DepEd
Nagbigay-linaw ang Department of Education (DepEd) hinggil sa larawan ng umanoy module na kumakalat sa social media.
Sa nasabing module may bahagi ng aktibidad, na nag-aatas sa estudyante na mag-interview ng indibidwal hinggil sa karanasan niya noong Spanish Era.
Ayon sa Deped, matapos beripikahin ng DepEd Error Watch, natuklasan na ang nasabing module ay hindi gawa ng Kagawaran at hindi sumailalim sa pagsusuri ng alinmang opisina ng DepEd.
Kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng ahensiya at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga kaugnay na opisina upang matukoy ang pinagmulan ng naturang module.
Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na maging mapanuri sa fake news at iba pang mga ‘di tiyak na impormasyong kumakalat online.
Nananawagan din ang Deped sa mga magulang at iba pang stakeholders na agarang idulog ang isyu patungkol sa mga learning modules direkta sa kanilang paaralan o sa pamamagitan ng DepEd Error Watch para sa agarang aksyon.
▪️ Email – errorwatch@deped.gov.ph
▪️ Text and Viber – 0961-680-5334
▪️ Messenger – DepEd Error Watch (@depederrorwatch)