Moderna, magsu-suplay ng 13 milyong doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas
Inanunsyo ng kumpanyang Moderna Inc. na magsu-suplay ito ng 13 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Moderna na darating sa bansa ang mga nakuna sa kalagitnaan ng 2021.
Tiniyak din ng Moderna na gagawa na ng mga hakbang para makakuha ng approval ng Food and Drug Administration upang magamit ang kanilang bakuna sa Pilipinas.
Maliban sa 13 milyong doses, sinabi ng Moderna na mayroon pang 7 milyong doses na kasunod na suplay ng bakuna batay sa hiwalay na kasunduan sa pamahalaan at pribadong sektor.
“We appreciate the confidence in Moderna, and our mRNA platform demonstrated by the Government of the Philippines. We remain committed to making our vaccine available on every continent to help end this global pandemic.” ayon sa pahayag ni Stéphane Bancel, Chief Executive Officer ng Moderna.
Una nang sinabi ni Philippine ambassador to the US Jose Romualdez earlier na ang pamahalaan at ang pribadong sektor ay naka-scure ng jhanggang 20 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine.
Ayon sa World Health Organization, ang COVID-19 vaccine ng Moderna ay mayroong efficacy rate na 92 percent, 14 na araw matapos ang unang dose.