Mobile Number Portability Act maipatutupad na
Tiniyak ni Senador Sherwin Gatchalian na maipatutupad na ang Mobile Number Portability Act (MNPA), dalawang taon matapos itong aprubahan.
Sa ilalim ng batas, pinapayagan na ang mga mobile phone subscribers na panatilihin ang kasalukuyang gamit na cellphone numbers kahit na magpalit o lumipat sila sa ibang network providers.
Naging hamon sa tatlong malalaking telecommunications companies sa bansa ang proseso ng “interoperability” kaya kamakailan lamang nila nakumpleto ang technical initial test.
Sinabi ni Gatchalian na dapat tuparin ng telcos ang pangako nilang implementasyon ng mobile number portability sa Setyembre 30 ng taon.
Bukod sa pagpapanatili ng cellphone numbers kahit na magpalipat-lipat ng network provider, tinitiyak din sa batas na wala nang babayarang interconnection fees kung tatawag or magte-text sa ibang service providers. (Dang Garcia)