MMDA nag-deploy ng Water Purification Team sa Southern Leyte
Nagpadala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng water purification team sa Southern Leyte para makatulong sa nararanasang shortage sa drinking water kasunod ng pananalasa ng Typhoon Odette.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos napakahalagang mabigyan ng access sa malinis na tubig ang mga residente.
Sinabi ni Abalos na top priority na mabigyan ng relief ang mga naapektuhang pamilya.
Ani Abalos, 3,639 gallons ng drinking water nagihatid na sa Barangay Combado at 1,215 gallons sa Barangay Lib-og sa Maasin City.
Samantala, 8,428 gallons ang naipamahagi na sa Barangay Magallanes sa Limasawa.
Ayon kay Abalos nagsagawa din ang MMDA team ng clearing operations sa barangays Hantag, Malapoc Sur, Matin-ao Sur, Matin-ao Norte sa Maasin City; Barangays Pangi at Taa sa Bontoc; Barangay Libas sa Leyte; ar sa Barangay Union sa Mahaplag.
Tiniyak naman ni Atty. Victor Pablo Trinidad, MMDA Metropolitan Public Safety Office head ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, at Department of Health.