Miami Heat wagi sa Game 1 ng Eastern Conference Finals ng NBA
Ang Miami Heat ang nagwagi sa game 1 ng Eastern Conference Finals ng NBA laban sa Boston Celtics.
Naging mahigpit ang laban sa game 1 na nauwi pa sa overtime.
Matapos ang overtime, tinalo ng Miami ang Celtics sa score na 117 – 114 o tatlong puntos lang na kalamangan.
Nagtala ng 20 puntos si Jimmy Butler para sa koponan.
Sa Sept.20 gaganapin ang game 2 ng Eastern Conference Finals. (DVD)