MGCQ sa Metro Manila malabo pa kasunod ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 ayon kay Sen. Bong Go

MGCQ sa Metro Manila malabo pa kasunod ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 ayon kay Sen. Bong Go

Malabo pang mailagay sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila bunsod ng muling pagtaas ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go, na plano na sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na luwagan ang antas ng community quarantine sa Metro Manila.

Pero dahil sa muling pagtaas ng kaso gn COVID-19 at dahil kasisimula pa lamang ng pag-rollout ng bakuna ay delikado pa itong gawin.

“Plano sana ni Pangulong (Rodrigo) Duterte na luwagan (ang level ng community quarantine). Since kaka-start pa lang ng pagbabakuna, kinakailangan pa nating mapaigting ang ating pag-iingat laban sa COVID-19, lalo na ngayon dahil sa pagtataas ng bilang ng mga kaso. Hindi pa natin siguro maluwagan ang quarantine restrictions ngayon dahil delikado pa po. Gawin po muna natin ang kinakailangan para hindi tayo magkahawahan,” ayon kay Go.

Dahil sa tumataas na kaso, sinabi ni Go na kailangang pag-aralan muli ang health and safety guidelines.

“Pinag-aaralan ‘yung sinasabi na babaan ang edad. Sabi ko, napakahirap sa ngayon, araw-araw po kailangan pag-aralan. Araw-araw, umaangat, sabay tayong nagbabakuna pero tumataas,” dagdag ni Go.

Sa sandal aniyang bumaba na ang kaso na resulta ng pagbabakuna ay maari na aniyang magkaroon ng unti-unting pagluwag.

“Kung nagbabakuna tayo at bumababa, maaari unti-unting luwagan. Pero sa ngayon, hindi pa po, granular na po at selected lang muna, by barangay or by city po ang pagluluwag ng mga restrictions,” sinabi pa ni Go.

Kasabay nito sinabi ni Go na malabo din naming bumalik ang bansa sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine dahil tatamaan na naman ng matindi ang ekonomiya.

Sa pagpapasya, sinabi ni Go na palaging binabalanse ang ekonomiya at kalusugan gayundin ang kapakanan ng mga mamamayan.

“‘Di naman pwede totally ibalik sa ECQ dahil hirap ang ekonomiya. Pinag-aaralan na po ng gobyerno sa mga susunod na araw magbibigay po ng rekomendasyon ang IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” dagdag ng senador.

Dahil sa problemang nararanasan ng bansa, nangako si Go na patuloy na magpapaabot ng tulong sa mga apektadong mamamayan.

“‘Di po ako natatakot mamatay at kung sakali mang umabot ang puntong ‘yan, karangalan ko po na mamatay na nagseserbisyo po sa kapwa ko Pilipino. ‘Yun ang isang malaking karangalan ko bilang opisyal ng gobyerno,” ayon kayGo.

Sinabi ni Go na hindi niya kayang maupo lamang sa kaniyang opisina at magpalamig habang maraming kababayan ang naghihirap at naghihintay ng tulong sa gobyerno.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *