Mga truck ng MINDA na may kargang mga produkto mula Mindanao kabilang sa na-stranded sa naranasang pagbaha sa Quezon
Nakarating sa tamang oras sa Maynila ang dalawang malalaking truck na naglalaman ng mga produkto mula sa Mindanao.
Laman ng dalawang truck ang mga produktong ibebenta sa pagbubukas ngayong araw ng “MinDA Tienda” sa Maynila.
Ayon kay Mindanao Development Authority (MINDA) Chairman Manny Piñol umalis ng Davao City ang mga truck na puno ng mga prutas, organic rice, Ube at iba pa noong Lunes.
Pero dahil sa matinding pagbaha sa Maharlika Highway sa Lopez, Quezon, na-stranded ng halos dalawang araw ang mga truck.
Ngayong alas 4:00 ng madaling araw (Oct. 23) sinabi ni Piñol na nakarating na sa Maynila ang mga produkto na eksakto sa pagbubukas ng MinDA Tienda sa Maynila.
Ang MinDA Tienda sa Maynila ay simula ngayong araw hanggang sa Oct. 25.
Mabibili dito ang mga pagkain at iba pang produkto mula sa Midnanao.