Mga tauhan ng MRT-3 na hindi maayos kung magsagawa ng disinfection sa mga tren sinibak na sa serbisyo

Mga tauhan ng MRT-3 na hindi maayos kung magsagawa ng disinfection sa mga tren sinibak na sa serbisyo

Sinibak na sa serbisyo ang mga tauhan ng MRT-3 na pabasta-basta lamang kung magsagawa ng disinfection sa mga tren.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3, ipinabatid ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP na inalis na sa serbisyo ang mga staff na nakuhanan ng video habang nagmamadaling magsagawa ng disinfection sa tren.

Sasampahan din sila ng kasong administratibo.

Sinabi ni TESP Administration Manager Toto Domingo, magtatalaga din sila ng dagdag na staff para masigurong naisasagawa ng maayos ng dinsinfection team ang kanilang trabaho.

“We apologize for the incident regarding members of disinfection team not properly doing their job. We will relieve the staff involved within the day while we are proceeding with the admin case. Meanwhile, we have notified all team members to always observe proper disinfection as they were trained to do. We are also deploying two additional staff to ensure that they are properly supervised,” ayon kay Domingo.

Magsasagawa din ng Sumitomo ng re-training sa kanilang maintenance personnel.

Nagpasalamat naman si MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati sa mabilis na aksyon ng maintenance provider.

Sinabi ni Capati na maglalagay ng dagdag na CCTV sa mga istasyon para masigurong nahahagip ng camera ang cleaning areas.

“We assure our passengers that the MRT-3 takes the sanitation and disinfection of its trains seriously and that their health and safety are our top priorities. We are taking all the necessary steps to ensure this incident will never happen again,” ayon kay Capati.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *