Mga tauhan ng Coast Guard na gumaling na sa COVID-19, mahigit 700 na

Mga tauhan ng Coast Guard na gumaling na sa COVID-19, mahigit 700 na

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na frontliners ng Philippine Coast Guard nanuna nang tinamaan ng COVID-19 virus.

Sa pinakahuling monitoring ng PCG, mula sa 859 na nagka-Covid, Umabot na sa 708 ang mga tauhan nitong gumaling na sa sakit.

131 dito ang bagong recoveries kaya mayroon nalang ngayong 151 active Covid cases sa hanay ng PCG.

Ayon sa Coast Guard, Lahat ng mga tauhan nito na nagpopositibo sa covid ay agad na pinu-pullout aa kanilang deployment para mabigyan ng medical assistance.

Tiniyak din ng PCG na regular ang kanilang monitoring sa mga frontliners at naibibigay ang kanilang supply ng vitamins, PPEs at isinasalang din sa swab testing.

Gumagamit narin ang PCG ng UV lights bilang tulong sa kanilang manual disinfestion sa kanilang work stations.

Sa susunod na buwan, bubuksan ng PCG ang kanilang sariling quarantine facility na kayang tumanggap ng 224 frontline personnel ng sabay-sabay.

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *