Mga sinehan, arcades mananatiling sarado sa Caloocan
Hindi muna papayagang magbukas ang mga tradisyunal na sinehan at ‘arcades’ sa lungsod ng Caloocan.
Ito ang tiniyak ni Mayor Oca Malapitan bilang bahagi ng pag-iingat kasunod ng banta ng bagong COVID-19 South African variant.
Humingi naman ng pang-unawa si Malapitan sa mga residente.
Aniya, bagaman nais ng pamahalaang lungsod na magpatuloy na ang pagbubukas ng ekonomiya ay hindi naman maaring isapalaran ang kaligtasan ng mamamayan.
“Bagamat nais natin na magpatuloy na ang pagbubukas ng ating ekonomiya, hindi pa rin natin pwedeng isapalaran ang kaligtasan ng mga mamamayan. Kalusugan pa rin ang dapat nating i-prayoridad ngayong panahon ng pandemya,” ayon sa alkalde.