Mga sementeryo sa Maynila sarado sa Undas

Mga sementeryo sa Maynila sarado sa Undas

Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na isasara ang lahat ng pampublikong sementeryo sa Lungsod ng Maynila ngayong darating na undas o paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay.

Sa kanyang FB live, sinabi ng Alkalde na mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre a-tres upang maiwasan ang pagkukulumpon ng mga tao at makontrol ang paglaganap ng corona virus disease o covid 19.

Ang mga sementeryong dinadagsa ng mga tao sa Lungsod ng Maynila ay ang Manila South Cemetery, Manila North Cemetery at ang Chinese Cemetery.

Ayon kay Moreno, nalagdaan na niya ang executive order o EO hinggil sa limang araw na pagsasara ng mga sementeryo sa L
lungsod na anumang oras ay ilalabas.

Kaugnay nito, humihingi ng paumanhin ang alkalde dahil sa pagkakansela ng taunang tradisyon na pagbisita sa mga puntod ng mga yumao.

Ngunit hinikayat ng alkalde ang publiko na maaari na nilang dalawin ang mga puntod ng kanilang mahal sa buhay mula ngayon, Setyembre 8 hanggang Oktubre 30, 2020.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *