Mga sementeryo at columbarium sa buong bansa sarado na simula ngayong araw
Simula ngayong araw ay sarado na ang lahat ng pampubliko at pribadong mga sementeryo at columbarium sa bansa.
Tatagal ang pagsasara sa mga sermenteryo at colombarium hanggang sa November 4.
Batay ito sa utos ng Inter Agency Task Force (IATF) para maiwasan ang pagdagsa sa mga sementeryo ng publiko para gunitain ang Undas.
Taun-taon kasi, milyun-milyong tao ang nagtutungo sa mga sementeryo kapag Undas para dalawin ang mga yumaong mahal sa buhay.
Pero dahil sa pandemic ng COVID-19, nagpasya ang IATF na isara ang lahat ng sementeryo upang hindi magkaroon ng mass gatherings na maaring mauwi sa pagkalat ng COVID-19.