Mga residente ng Maynila na uuwi galing lalawigan at iba pang lungsod kailangan nang magpa-swab test
Simula ngayong araw, January 2, 2021 lahat ng uuwing residente ng Maynila galing sa mga lalawigan at ibapang lungsod sa labas ng Metro Manila ay dapat sumailalim sa swab test o Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).
Ito ay bago sila mapayagang makauwi sa kani-kanilang mga barangay.
Batay sa memorandum ng Manila Barangay Bureau sa mga barangay official lahat ng residente na uuwi ay dapat dumaan muna sa swabbing facilities sa kanilang mga distrito.
Habang hinihintay ang resulta ng swab test ay mananatili muna sila sa barangay quarantine facility.
Ayon sa Manila City public information office, batay ito sa direktiba ng Manila Health Department (MHD).
Ang gastos para sa swab test ay libre naman at ang City government ang sasalo.