Mga Pinoy na walang trabaho umabot na sa 3.8 million – PSA
Mayroong 3.8 million na Pinoy ang walang trabaho hanggang noong Oktubre ng kasalukuyang taon.
Batay ito sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon sa PSA, katumbas ito ng 8.7 percent na mas mataas kumpara sa 4.6 percent lamang noong October 2019.
Sa kabila nito, bahagya namang bumaba ang unemployment rate kumpara noong July 2020 (4.6 million) at April 2020 (7.2 million).
Umabot naman sa 14.4 percent ang underemployment rate sa bansa para sa October, 2020.
Batay pa din sa datos ng PSA, mayroong 43.6 million na mga Filipino o 58.7 percent ang nasa labor force o mayroong trabaho.
Bahagya itong bumaba kumpara sa 45.9 million noong July 2020.