Mga patay na baboy na natagpuan sa dalampasigan ng Mindoro, negatibo sa ASF
Negatibo sa African Swine Fever (ASF) ang tissue samples na kinulekta mula sa mga baboy na natagpuang patay sa pampang ng Oriental Mindoro.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) umabot sa humigit-kumulang 35 patay na baboy ang natagpuan ng mga residente ng Naujan at Pola, Oriental Mindoro noong January 25, 2020.
Nangamba ang mga lokal na opisiyal at mga residente ng probinsya dahil baka kontaminado ang mga baboy ng ASF.
Ang buong Mindoro Island ay ‘ASF Free’.
Ang mga tissue samples na nakuha sa baboy ay ipinadala sa ng Provincial Veterinarian ng Oriental Mindoro sa Bureau of Animal Industry – Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory upang maisailalim sa pagsusuri.
Nag-negatibo naman sa ASF ang mga sample na kinolekta gamit ang PCR.
Ang mga baboy na nakitang patay ay isinailalim sa disinfection ay agad inilibing.
Tuloy naman ang imbestigasyon at koordinasyon na ginagawa ng DA at ng mga Local Government Units upang malaman ang pinanggalingan ng mga patay na baboy sa dalampasigan ng Oriental Mindoro. (D. Cargullo)