Mga palengke, talipapa at grocery sa Navotas isasara tuwing Lunes
Simula bukas, March 8, 2021 ay isasara kada araw ng Lunes ang mga palengke, grocery/supermarket, at talipapa sa Navotas City.
Sa bisa ito ng inilabas na Executive Order ng pamahaang lungsod ng Navotas.
Ayon sa abiso, ito ay para maisailalim ang mga establisyimento sa regular cleaning at disinfection.
Nakasaad din sa abiso ng lokal ng pamahalaan na hindi kasama sa isasara tuwing Lunes ang mga maliliit na tindahan, sari-sari store, kainan, barbershop, at iba pa.