Mga OFW may uuwiang bakanteng trabaho sa Pilipinas ayon sa DOLE

Mga OFW may uuwiang bakanteng trabaho sa Pilipinas ayon sa DOLE

Hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga umuuwing overseas Filipino worker na mag-apply sa libu-libong bakanteng posisyon sa sektor ng business process outsourcing o BPO.

Ayon kay Bello, nangangailangan ng tatlumpung libong manggagawa sa industriya ng information technology and business process management na maaaring pasukan ng mga nagsisiuwing OFW na nawalan ng trabaho sa ibang bansa.

Kabilang sa mga bakanteng trabaho na inaalok ng IBPAP-member companies ay sa customer service, technical support at sa healthcare.

Kamakailan lumagda sina DOLE Secretary Bello at si IBPAP president and chief executive officer, Rey Untal sa virtual signing ceremony patungkol data-sharing agreement, na nagpapahintulot sa dalawang kampo na magbahaginan o sharing ng data para sa mas mabilis na pagsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Sa ilalim ng kasunduan, ibahagi ng DOLE sa IBPAP ang listahan ng OFW applicants at ang mga impormasyon gaya ng dati at kasalukuyang trabaho ng aplikante, tirahan, contact number at iba pang impormasyon na mahalaga sa inaaplayang trabaho.

Sa panig ng IBPAP, ibibigay naman sa DOLE ang listahan ng mga establishments na bahagi ng program at mga email address ng mga kinatawan, kasama na rin ang market information, tulad ng job positions, job descriptions, at suweldo.

Umaasa si Bello na magiging competitive ang industriya ng BPO sa bansa sa pamamagitan ng pag-empleyo sa mga nararapat na aplikante.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *