Mga nasalanta ng Typhoon Auring sa Butuan City tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go
Nakatanggap ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nasalanta ng nagdaang Typhoon Auring sa Butuan City, Agusan del Norte.
Nagdala ng pagkain, food packs, masks, face shields, at vitamins ang team ng senador sa mga residente.
May mga benepisyaryo din na tumanggap ng bagong sapatos at bisikleta na kanilang magagamit bilang alternatibong transportasyon.
Habang may mga nabigyan din ng computer tablets para magamit naman ng mga bata sa kanilang blended learning.
Umabot sa 718 ang benepisyaryo at isinagawa ang pamamahagi sa dalawang magkaibang lugar para matiyak ang pagsunod sa social distancing.
502 ang recipients sa Los Angeles Covered Court, habang 216 beneficiaries naman sa Agusan Pequeño Covered Court.
Sa kaniyang video message, may pakiusap ang senador sa mga residente: “Pakiusap lang, magtulungan lang tayo. Sino ba naman ang magtutulungan, kung ‘di tayo lang ding kapwa natin Pilipino. Mayroon pang tinamaan ng baha dahil sa bagyo noong nakaraan buwan na tinamaan ng bagyo. Magtulungan lang tayo at malalampasan din natin itong kinakaharap na krisis ngayon basta magtulungan lang tayo.”
May mga ahensya din ng gobyerno na nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng tulong-pinansyal sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program.
Ang Department of Trade and Industry ay nagsagawa ng assessment sa mga kwalipikadong maging bahagi ng kanilang livelihood program.
At ang Technical Education and Skills Development Authority ay isinailalim din sa evaluation ang mga beneficiaries para sa scholarship program.
Hinikayat naman ni Go ang mga nangangailangan ng atensyong medikal na lumapit sa Malasakit Center sa Butuan Medical Center sa Butuan City.
Si Go ang principal author ng at sponsor ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act of 2019.
Layon nitong matulungan ang mga pasyente na walang pambayad ng kanilang hospital bill.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan ang mga indigent patient, ay maaring makahingi ng medical assistance sa DSWD, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office, at PhilHealth.
“Salamat sa inyong tulong, mga kababayan, at mayroon rin tayong Malasakit Center dyan sa Butuan Medical center in Butuan City. Ang Malasakit center ay one-stop shop. Lapitan niyo lamang na handang tumulong sa poor and indigent patients,” ayon kay Go.
Kabiland din sa mga panukalang batas na inihain ni Go ay ang Senate Bill No. 1226, o ang DOH Hospital Bed Capacity and Service Rationalization Act of 2019.
Layon nitong maitaas ang bed capacity ng mga DOH-run hospital.
“Magtiwala lang kayo sa ating gobyerno, mga kababayan ko. Ang importante ay maabot o ma-attain natin ang herd immunity sa community para unti-unti na tayong makabalik sa normal nating pamumuhay,” dagdag ng senador.
Binanggit din ni Go ang mga nagpapatuloy na proyekto ng pamahalaan sa lalawigan kabilang ang kalsada na magkukunekta sa NRJ Masao Port Road-NRJ Butuan City at Agusan del Norte Logistical Highway, ang konstruksyon ng Levee Road, concreting ng ng kalsada sa Barangay Purok K-4 hanggang Purok K-7 Tagabaca Farm-to-Market Road, at maraming iba pa.
Pinasalamatan naman ni Go si Governor Dale Corvera, Mayor Engineer Ronnie Lagnada, Vice Mayor Jose Aquino II, at iba pang lokal na opisyal sa kanilang pagtulong sa mga mamamayan ngayong may pandemya ng COVID-19.
“Kaunting tiis lang po at magtiwala po tayo sa ating gobyerno. Basta kami ni Presidente Duterte, sa abot ng aming makakaya, handa kaming magserbisyo sa inyong lahat,” ayon pa sa senador.
Noong May 27, may kahalintulad na aktibidad na isinagawa ang tanggapan ng senador sa bayan ng Tubay kung saan mayroong 29 na benepisyaryo ang nakinabang at sa Cabadbaran City na mayroong 38 benepisyaryo.