Mga naninirahan malapit sa ilog sa Montalban, Antipolo, San Mateo, QC, Marikina at Pasig pinag-iingat ng PAGASA dahil sa pag-ulan na dulot ng TS Dante
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente na naninirahan malapit sa mga ilog sa Montalban, Antipolo, San Mateo, QC, Marikina at Pasig.
Ayon sa PAGASA, sa nakalipas na 12 na oras nakapagtala ng 10 hanggang 20 mm na dami ng ulan dulot ng bagong Dante.
Sa susunod na 24 na oras ay inaasahang magpapaulan pa ito ng hanggang 120 mm.
Dahil dito, maaring maapektuhan ang watercourses sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Kabilang dito ang Upper Marikina River na dumadaan sa Montalban, Antipolo, San Mateo, Quezon City, Marikina at Pasig.
Gayundin ang Lower Marikina River na dumadaan sa Pasig at Mandaluyong.
Pinag-iingat din ang mga malapit sa Mango River sa Montalban at Nangka River sa Marikina, San Mateo at Antipolo.