Mga namemeke ng resulta ng RT-PCR test pinaaaresto at pinakakasuhan sa PNP

Mga namemeke ng resulta ng RT-PCR test pinaaaresto at pinakakasuhan sa PNP

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin at tuluyang kasuhan ang mga namemeke ng resulta ng kanilang Reverse-Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge and Undersecretary Bernardo Florece, Jr. dapat tuluyang sampahan ng kaso ang mga namemeke ng RT-PCT tests.

“The DILG directs the PNP to arrest and prosecute individuals who are forging their RT-PCR tests. This is a crime and is punishable under our law. We are also warning those people planning to fake their test certifications. Huwag n’yo na pong gawin at kung hindi, sisiguraduhin po namin na makukulong kayo,” ayon kay Florece.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang mga lumalabag sa batas ay maaring mapatawan ng P20,000 hanggang P50,000 na multa o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang buwan hanggang 6 na buwan.

Sa Section 1-b ng batas o ang Prohibited Acts of RA 11332 doon nakasaad ang tungkol sa resulta ng medical test o medical certificates.

Inatasan ni Florece ang PNP na bantayan ang mga entry points sa mga lugar na dinarayo na ng turista.

“Iniiwasan natin na maulit ang nangyari sa Boracay na nakapasok ang mga turista na may pekeng RT-PCR tests kaya naman kailangan itong pangunahan ng PNP at ng pamahalaang lokal,” ayon pa kay Florece.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *