Mga nakumpiskang paputok ng BOC sa Davao, sinira

Mga nakumpiskang paputok ng BOC sa Davao, sinira

Upang maiwasan ang hindi inaasahang pagsabog sa bodega, sinira na ng Bureau of Customs sa Port of Davao, Sasa Wharf, Davao City ang tinatayang 1,000 ng mga paputok.

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao, Philippine National Police (PNP) at Davao City Explosive Ordnance and Canine (EODK9) Unit ang mga paputok na natukoy na illegal ang importasyon.

Ayon kay BOC Port of Davao District Collector, Atty. Erastus Sandino B. Austria, ang mga firecracker na ipinuslit sa lokal na pamilihan ay magdudulot ng oangan sa mga komunidad.

Maaari rin aniyang habang nasa bodega ang mga nasamsam na firecrackers ay punutok at magdulot nang matinding pagsabog.

Sa imbestigasyon, ang nasamsam ba paputok ay unang idineklarang cleaning balls, plastic craft, flashlights at plastic coverings.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *