Mga nagsusulong ng “pork holiday” tinuligsa ng grupo ng mga magbababoy
Dagdag-pahirap ang nais na mangyari nang ilang samahan ng consumers na nananawagan ng pork holiday o hindi pagtangkilik sa karneng baboy.
Ayon kay Nicanor Briones, VP ng Pork Producers Federation of the Philippines tiyak na mas lalong tataas ang presyo ng mga bilihin.
Paliwanag ni Briones ngayon pa lamang 40% na ng suplay ng baboy ang nawala sa pamilihan.
Isipin na lamang aniya kung ano ang mangyayari sa presyo ng manok, baka, isda at mga gulay kung tuluyang mawawala ang karneng baboy dahil sa pork holiday.
Sa halip na makatulong sa problema, sinabi ni Briones na tila dinaragdagan pa ng ilang grupo ang pahirap sa bulsa ng mga mamimili.
Una rito, itinulak ni dating DTI Usec at ngayon ay Laban Konsyumer Convenor Atty. Vic Dimagiba ang pork holiday o pagtigil sa pagbili ng mga karneng baboy habang hindi pa malinaw ang sitwasyon sa suplay at presyuhan na ang nagpapasan ay ang consumer.