Mga nagbibisikleta exempted sa pagsusuot ng face shields sa Valenzuela

Mga nagbibisikleta exempted sa pagsusuot ng face shields sa Valenzuela

Pinapayagan ang mga naka-bisikleta na hidni magsuot ng face shield sa Valenzuela City.

Kasunod ito ng kautusan ng pamahalaan na dapat nakasuot ng face shield sa sandaling lumabas ng bahay.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kahit exempted ang mga nagbibisikleta sa pagsusuot ng face shield, kinakailangang isuot pa rin nila ito sa sandaling sila ay bumaba na ng bike at magtutungo na sa pampublikong lugar.

“Exempted sa pagsusuot ng face shield ang mga nagbibisikleta sa Valenzuela City. Gayunman, kung magtutungo na sa pampublikong lugar o papasok sa establisyimento, kailangang muling magsuot ng face shield,” ayon sa abiso ng Valenzuela City LGU.

Sa Pasig City, exempted din ang mga biker sa pagsusuot ng face shield habang sila ay sakay ng bisikleta.

Ayon sa Pasig Transport, batay sa konsultasyon sa grupo ng mga biker, delikado ang pagsusuot ng face shield habang sila ay naka-bisikleta.

Ito ay dahil nahaharangan ang kanilang view at mas nahihirapan silang huminga.

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *