Mga nabiktima ng pagbaha sa Muntinlupa City tumanggap ng ayuda mula kay Sen. Bong Go
Mahigit 200 residente na naapektuhan ng pagbaha sa Muntinlupa City ang tumanggap ng tulong mula kay Senator Christopher “Bong” Go.
Matapos dumalo sa launching ng ika-100 Malasakit Center na isinagawa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) dumeretso si Go sa Barangay Tunasan Covered Court.
Doon ay namahagi ang team ng senador ng pagkain, food packs, masks, face shields, at medicine packs a 224 na mga residente.
Sa kaniyang mensahe sa mga benepisyaryo, nanawagan si Go na makipagtulungan sa mga otoridad at patuloy na sundin ang health protocols.
“Ito pong vitamins na dala ko, inumin niyo po ito dahil pampalakas po ito ng inyong resistensya. Kapag malakas ang inyong resistensya, mas lalaban ang katawan ninyo laban sa COVID-19,” ayon sa senador.
Paalala ni Go, kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan ay mainam na huwag munang lumabas ng pamamahay dahil delikado pa ang panahon.
Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ng senador na prayoridad ang mahihirap at vulnerable sa sandaling dumating na ang COVID-19 vaccine sa bansa na ligtas at epektibo at sinertipikahan ng Food and Drug Administration (FDA).
May mga benepisyaryo ding tumanggap ng bagong bisikleta na maari nilang magamit sa pagpasok sa trabaho habang ang iba ay nabigyan ng sapatos.
May mga residente din na nakatanggap ng tablets for para sa kanilang mga anak na magagamit sa blended learning.
Ayon sa isa sa mga residente na si Lorina Geron, isang street sweeper, malaking tulong ang bisikleta para magamit niya pagpasok sa trabaho.
“Gagamitin ko po ‘tong bike sa panghanapbuhay. Maraming salamat sa mga ahensya ng gobyerno, sa mga tumulong sa amin sa panahon ng pandemic. Maraming salamat po kay Senator Bong Go dahil nabawasan ‘yung mga problema namin. Maraming salamat din po sa ating Presidente Duterte,” ayon kay Geron.
Kasabay nito hinikayat ng senador ang mga pasyenteng nangangailangan ng atensyong medikal na lumapit sa Malasakit Center na binuksan sa Research Institute for Tropical Medicine.
“Galing po ako ng RITM dahil nagbukas po ako ng Malasakit Center. Ang Malasakit Center po ay batas na po ‘yan na isinulong noong 2019. Lapitan niyo lang po ang Malasakit Center dahil mayroon nang 100 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handa po na tumulong sa inyo,” sinabi ni Go.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop na isinulong ni Go para matulungan ang mga indigent patients upang ang mga pasyente na nangangailangan ng tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Kasama din sa isinagawang relief efforts ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para magbigay ng tulong sa mga pamilya.
Ang mga kinatawan mula sa DSWD ay namahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo.
Ang Department of Trade and Industry ay nagsagawa naman ng assessment para sa mga posibleng maging beneficiaries ng livelihood assistance program nito.
Ang Department of Health naman at namahagi ng mga gamot.
Pinasalamatan ng senador ang mga lokal na opisyal sa Muntinlupa City sa suporta g mga ito sa kanilang constituents.
“Kung ano pong kabutihan o tulong na pwede nating gawin sa ating kapwa tao, gawin na po natin ngayon dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito. Kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin, ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos,” ayon pa sa senador