Mga mangingisda ng FV Liberty, kanilang pamilya inareglo ng MV Vienna Wood sa halagang P1M

Mga mangingisda ng FV Liberty, kanilang pamilya inareglo ng MV Vienna Wood sa halagang P1M

Magkakaroon ng aregluhan sa pagitan ng FV Liverty 5 at sa MV Vienna Wood na nasangkot sa aksidente sa karagatang sakop ng Mamburao, Occidental Mindoro noong June 27, 2020.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V Ursabia Jr., sa Lunes, August 24 magaganap ang formal settlement sa headquarters ng PCG sa Port Area, Maynila.

Ito ay makaraang pumayag ang mga mangingisdang lulan ng FV Liberty 5 na makipagkasundo sa MV Vienna Wood na nakabangga sa kanila.

Sinabi ni Ursabia ang pamilya ng 12 mangingisdang Pinoy na nawawala at 2 pang sakay ng FV Liberty 5 ay tatanggap ng P1 milyon kompensasyon bawat isa mula sa MV Vienna Wood.

Ang Irma Fishing and Trading Inc. na nagmamay-ari sa FV Liberty 5 ay tatanggap naman ng settlement amount na P40 million mula sa MV Vienna Wood.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *