Mga labi ni Echanis hindi na susuriin ng NBI
Hindi na susuriin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bangkay ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant at Anakpawis Chairman Randall ‘Randy’ Echanis na natagpuang patay sa bahay nito sa Novaliches noong Agosto 10.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos na aminin ng Quezon City Police na si Echanis nga ang napatay matapos suriin ang fingerprint ni Echanis at Manuel Santiago at lumabas na ito ay iisang tao lamang.
Matatandaan na bumuo ng special task force ang DOJ matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na ang bangkay ni Echanis ay dinala sa Philippine General Hospital(PGH) para sa C-ray at awtopsiya bago i turn over sa kanyang pamilya.
Sinabi ni PMAJ Elmer Monsalve, hepe ng Crimial Investigation and Detection Unit (CIDU), kinukunan na ng pahayag ang asawa ni Echanis at pagkatapos, pwede nang iturnover ang katawan ng biktima sa pamilya.
Gayunman, tuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen.
Nalaman na ang mga sugat na sinasabing nakita kina Echanis at isa pang biktimang si Louie Tagapia, ay pawang mula sa saksak at walang basyo ng bala sa crime scene.
Humingi naman ng paumanhin si QCPD District Director PBGEN RONNIE MONTEJO sa hindi agad pag-turnover ng katawan sa pamilya Echanis dahil kinailangan munang mapatunayan ang pagkakakilanlan nito.