Mga kaibigan at kasama sa hotel room ni Christine Dacera ipinagharap na ng reklamo ng NBI sa DOJ

Mga kaibigan at kasama sa hotel room ni Christine Dacera ipinagharap na ng reklamo ng NBI sa DOJ

Naghain na ng reklamong obstruction of justice, perjury, at reckless imprudence resulting in homicide ang National Bureau of Investigation, laban sa mga kaibigan ng fight attendant na si Christine Dacera.

Kabilang sa mga inireklamo sa DOJ ang mga nakasama ni Dacera sa hotel room sa Makati kung saan siya binawian ng buhay.

Sa inihaing reklamo ng NBI, pinakakasuhan ng obstruction of justice ang sumusunod na mga respondent:

Mark Rosales
Rommel Galido
John Dela Serna
Gregorio de Guzman
Jezreel Rapinan
Alain Chen
Reymay Englis
Darwin Macalla

Kasama ding inireklamo ng obstruction of justice ang abogado nilang si Neptali Maroto.

Si Mark Rosales ay respondent din sa reklamong “administering of illegal drugs”.

Lumitaw din sa imbestigasyon ng NBI na si Rosales at Galido ay nagtangkang mag-deliver o magbigay ng ilegal na droga noong kasagsagan ng party.

Inirekomenda din ng NBI na makasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide sina Dela Serna, Rapinan, Chen, at Louie De Lima.

Habang falsification of public documents charges naman ang inirekomenda ng NBI laban kay Southern Police District Medico Legal Officer Police Maj. Michael Sarmiento.

Si Sarmiento ang nagsagawa ng otopsiya kay Dacera.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *