Mga estudyante hindi obligadong mag-uniporme sa pagsailalim sa distance learning

Mga estudyante hindi obligadong mag-uniporme sa pagsailalim sa distance learning

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi obligado ang mga estudyante na magsuot ng uniporme habang sumasailalim sa anumang uring pamamaraan para sa distance learning.

“Hindi kinakailangan ng mga mag-aaral na magsuot ng uniporme ng paaralan sa anumang distance learning approach na gagamitin nila para sa SY 2020-2021,” ayon sa DepEd.

Ipinaliwanag ng DepEd na bago pa magkaroon ng pandemya ay hindi naman talaga mahigpit ang DepEd sa utos sa mga pampublikong paaralan para sa pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral.

Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng karagdagang gastos sa pamilya ng mga mag-aaral.
Habang ipinagbabawal ang face-to-face classes, ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magsuot ng kanilang pinaka-komportable at naaangkop na pananamit ayon sa DepEd.

Follow us on Twitter:https://twitter.com/NewsFlashPH
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *