Mga empleyado sa lugar na mayroong sapat na suplay ng COVID-19 vaccines oobligahin nang magpabakuna simula Dec. 1

Mga empleyado sa lugar na mayroong sapat na suplay ng COVID-19 vaccines oobligahin nang magpabakuna simula Dec. 1

Simula sa December 1, 2021 gagawin nang mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga eligible employees sa mga lugar na mayroon namang sapat na suplay ng bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, simula sa nasabing petsa ang mga empleyado ng gobyerno at mga pribadong kumpanya na ang trabaho ay on-site sa kanilang work areas ay dapat bakunado.

Ang mga public at private establishments ay maaring tumangging papasukin ang indibidwal na hindi pa bakunado o partially vaccinated lamang kung sila ay eligible namang magpabakuna at mayroon namang available na bakuna.

Ani Roque, bahagi ito ng pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inter-Agency Task Force na magpatupad ng “whole-of-government solution” upang maitaas ang demand para sa COVID-19 vaccination.

Nilinaw naman ni Roque na hindi dapat sibakin sa trabaho ang hindi bakunadong empleyado sa halip ay maari itong i-require na sumailalim sa regular na RT-PCR testing o antigen test pero ang manggagawa ang gagastos para dito.

Samantala, ang mga public transportation services sa lansangan, rail, maritime at aviation ay dapat ding obligahin ang kanilang mga eligible workers na maging fully vaccinated. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *