Mga empleyado ng BI binawalang mag-Tiktok habang naka-uniporme at naka-duty
Pinagbawalan na mag-Tiktok ang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) habang sila ay naka-unporme at naka-duty sa trabaho.
Sa utos ni BI Commissioner Jaime Morente, binawalan nito ang mga empleyado ng ahensya na mag-rekord at mag-post ng Tiktok videos nila habang nakasuot ng uniporme ng BI.
Kabilang sa bawal nilang gawin ang pagsasayaw, pagkanta at iba pang gawain gamit ang app na Tiktok.
Sinabi ni Morente na habang nakasuot ng BI uniform mahalagang mapangalagaan ang integridad dahil kinakatawan nila ang Philippine immigration.
“Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants and supposed model Filipinos, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” ayon kay Morente.
Kung nakasuot aniya ng uniporme, nag Tiktok at saka ibinahagi sa social media, ay nababahiran ang reputasyon ng ahensya at magdudulot ito ng negatibong imahge sa mga tauhan ng BI lalo na sa frontline immigration officers ma mala-assign sa ports of entry ng bansa.
Babala ni Morente, maituturing na paglabag sa umiiral nang kautusan na pagbabawal sa paggamit ng gadgets habang naka-duty kung ang empleyado ay nagvi-video ng sarili at inia-upload sa social media.
Sa ilalim ng Internal Social Media Policy ng BI, nakasaad na ang mga BI personnel ay dapat sumunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa kanilang mga ginagawa online, at dapat iwasan ang gawain na maaring makadungis sa “public service”.
Ginawa ni Morente ang utos matapos na lumabas sa social media ang mga video ng mga airport immigration officers na nagti-Tiktok.