Mga dumarating na OFs sa NAIA may opsyon para sa pagpapa-swab test

Mga dumarating na OFs sa NAIA may opsyon para sa pagpapa-swab test

Mayroon nang tatlong opsyon ang mga umuuwing overseas Filipinos at dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos na mas bumagal ang paglalabas ng resulta ng swab test matapos ihinto ng Philippine Red Cross ang kasunduan nito sa pamahalaan bunsod ng pagkakautang ng PhilHealth.

Sa inilabas na abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), maari na muling magpa-swab test sa Red Cross ang mga umuuwing Pinoy kung nais nila ng mas mabilis na resulta.

Pero babayaran ito ng P3,500 para sa mga OFW at P4,000 para sa non-OFW.

Lalabas ang resulta ng swab test na ipinroseso ng Red Cross sa loob ng 2 hanggang 3 araw.

Pwede ring maging mas mabilis pa ang resulta kung sa mga pribadong laboratoryo magpapa-swab test.

Sa halagang P4,000 ay 2 araw bago lumabas ang resulta; P7,000 naman kung nais na mailabas ang resulta sa loob lang ng 1 araw at P10,000 para sa resulta na lalabas sa loob lang ng 12-oras.

Maari pa ring makapagpa-swab test sa swabbing stations ng gobyerno na ipinoproseso sa government laboratories.

Libre ito para sa mga umuuwing Pinoy pero limang araw ang minumum na paghihintay bago lumabas ang resulta.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *