Mga dadalo sa mass gatherings ipaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte

Mga dadalo sa mass gatherings ipaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte

Sa kulungan ang bagsak ng sinumang dadalo sa mass gatherings ngayong may pandemya pa ng COVID-19.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte Miyerkules (May 26) ng gabi, sinabi nito na maghahanap siya ng batas para mabigyan ng kapangyarihan ang mga pulis upang arestuhin at ikulong ang mga dadalo sa mass gatherings.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang ulat ni Interior Secretary Eduardo Año na tatlong mass gatherings ang naitala sa National Capital Region Plus.

Ito ay ang pagdagsa ng mga nag-swimming sa Gubat sa Ciudad sa Caloocan Cify kung saan apat katao ang nagpositibo sa COVID-19, pool party sa Quezon City kung saan 54 katao ang nag-positibo at isa sa Bulacan.

Nakadidismaya ayon sa pangulo na binabalewala ang health protocols na inilatag ng pamahalaan.

Matitigas aniya ang ulo ng ilang Filipino.

Isang krimen ayon sa pangulo na ipasa ang virus sa ibang tao.

Ayon sa pangulo, humihingi na siya ng tulong sa publiko para tuluyang matuldukan na ang pandemya sa COVID-19. (Faith Dela Cruz)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *