Mga biktima ng Typhoon Yolanda sa Tacloban natanggap na ang titulo ng kanilang bahay; dagdag na tulong ipinagkaloob ni Sen. Go
Namahagi ng tulong ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go distributed sa mga biktima ng Typhoon Yolanda sa Tacloban City kasabay ng pagkakaloob na ng National Housing Authority ng titulo sa kanilang mga bahay.
Sa isinagawang aktibidad sa St. Francis Gym, Brgy. 105, Tacloban City, nasa 141 na biktima ng super typhoon Yolanda noong 2013 ang nakuha na ang kanilang titulo mula sa NHA.
Kabilang sila sa 1,000 benepisyaryo na naging bahagi ng naturang event na pinagkalooban ng meals, food packs, masks, face shields, at bitamina mula sa grupo ni Go.
May ilan ding tumanggap ng pares ng sapatos at bisikileta. Habang ang iba ay binigyan ng computer tablets na magagamit ng kanilang anak sa blended learning.
Kamakailan, personal ding sinaksihan ni Go ang turnover sa mga titulo ng lupa para sa 650 beneficiaries sa Tacloban City Astrodome. Namahagi din si Go n gparrehong tulong sa mga tindero sa palengke at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association.
“Finally, ito ‘yung sinasabi ni Presidente Duterte na wala na kayong babayaran dahil ni-waive na po,” ayon kay Go.
May mga kinatawan din mula sa Department of Social Welfare and Development alsoang namahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Ginoong Salvador Separa, malaki ang naging epekto sa kanila ng COVID-19 pandemic.
“Nagpepedicab rin kahit mahirap walang pasahero, tiyaga lang kahit konti lang, sobrang hirap, napakahirap talaga ng buhay dito sa Tacloban,” ani Separa.
Nagpasalamat naman si Separa kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Go.
“Maraming salamat po, President, Senator Bong Go. Nagpapasalamat ako sa inyo, lahat ng mga staff niyo, sa DSWD. Maraming salamat,” aniya.
Kasabay into, hinimok ni Go ang mga residente na lumapit sa Malasakit Center sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City kung nangangailangan ng tulong-medikal.
“Kung mayroon kayong pasyente, puntahan niyo lang po itong Malasakit Center, ang target nito ay zero-balance para wala na kayong bayaran sa inyong ospital. Lapitan at puntahan niyo lang po itong Malasakit Center,” ayon kay Go.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan ang apat na agensya ng gobyerno na kinabibilangan ng DSWD, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth, ay magkakasama sa iisang opisina.
“Kung hindi kaya operahan dito sa Tacloban, magsabi lang kayo. Ako na ang magpapaopera sa Maynila, sa Heart Center. Pati pamasahe niyo, kami na ang magbabayad. Tutulungan namin kayo. Huwag niyo na alalahanin ‘yung babayaran sa ospital,” dagdag pa ni Go.
Sa kabila ng nararanasang pandemya, sinabi ni Go na patuloy silan aasiste sa mga mamamayan na apektado ng krisis.
“Kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin, ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos,” ayon pa sa senador.