Mga bibiyahe papasok ng Baguio City kailangang sumailalim sa Antigen test

Mga bibiyahe papasok ng Baguio City kailangang sumailalim sa Antigen test

Obligadong sumailalim sa Antigen test ang lahat ng mga bumibiyahe papasok ng Baguio City.

Ayon ito kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasunod ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Epektibo ang kautusan araw ng Biyernes, March 19, 2021.

Sakop nito ang lahat ng mga residente, turista, at manggagawa na naglalabas-masok sa lungsod.

Ayon kay Magalong, naglaan naman DOT-Tourism Promotions Board ng subsidiya para sa Antigen test.

Ang mga turista sa Baguio ay magbabayad ng P500 para sa Antigen habang P350 naman ang babayaran ng mga residente at manggagawa.

Ayon kay Magalong ang requirement para sa antigen tests ay pansamantala lamang at maari ding agad bawiin kapag muli nang bumaba ang kaso ng sakit.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *